Hog raiser sa QC, halo ang emosyon habang tinatanggap ang cash assistance  mula sa local gov.

Hindi maipaliwag ni ginoong Jose Roldan ang nararamdaman habang tinatanggap ang cash assistance ng Quezon City Government para sa mga hog raiser na apektado ng African Swine Fever.

Halo ang saya at lungkot na nararamdaman kasabay ng pagluha.

Ayon kay ginoong Roldan, malungkot siya dahil wala na ang  kanyang negosyo na babuyan.


Ito lang ang inaasahan niya para mairaos ang pagkain at pangangailangan ng kanyang pamilya.

Sa kabila nito, nakaramdam naman siya ng kasiyahan dahil kahit papaano ay may natanggap o bumalik na pera kaysa naman wala.

Naniniwala kasi si Roldan na hindi magtatagal ay mamamatay  din  ang mga alagang baboy nang dahil sa ASF na kumakalat sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Isang inahin at 9 na biik ang isinuko niya sa Quezon Veterinary Office.

Ito ay binarayan ng Quezon City government ng ₱3,000 kada ulo o katumbas ng ₱30,000.

Bukod sa kanya, meron pang higit sa 100 hog raiser ang pagkakalooban ng tulong ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments