Namigay ang lokal na pamahalaan ng San Carlos ng free range chicken sa mga naluging hog raisers dahil sa pagtama ng African Swine Fever o ASF noong mga nakaraang taon.
Umabot sa 144 na benepisyaryo ang nabahagian ng 15 inahin at 3 tandang sa naturang programa. Ang bilang na ito ay inisyal lamang na bilang ng mga makakatanggap ng tulong sa ilalim ng programang ito ng lokal na pamahalaan.
Nagkaroon din ng isang seminar na layuning mabigyan ng impormasyon ang mga hog raisers ukol sa tamang pamamalakad at pag-aalaga ng mga manok. Kabilang sa mga tinalakay ay ang Tamang Pag-aalaga, Breeds, Egg and Egg Incubation System at huli anh Common and Emerging Diseases.
Asahan naman umano na may susunod pang batch na mga hog raisers na mabibigyan ng tulong.
Sinisiguro lamang umano ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng tulong ang mga hog raisers na nalugi at mabigyan ng bagong pagkakakitaan habang hindi pa pinapayagan ang muling pag aalaga ng baboy.