HOG RAISERS NA NAAPEKTUHAN AT NALUGI SA PAGTAMA NG ASF SA SAN CARLOS CITY, DUMALO SA TAMANG PAG AALAGA NG FREE-RANGE CHICKEN

Sumailalim sa seminar kaugnay sa pag-aalaga ng manok ang mga naluging Hog Raiser sa lungsod ng San Carlos dahil sa naging epekto ng African Swine Fever (ASF) na dumapo sa kanilang mga alagang baboy at lubos na nagpalala ng kanilang sitwasyon.

Ang nasabing seminar ay ukol sa tamang pag-aalaga ng Free-Range Native Chicken.

Layunin ng hakbang na mabigyan ng impormasyon ang mga Hog Raisers sa lungsod ukol sa tamang pamamalakad at pag-aalaga ng mga ipapamahagi na alagaing manok.

Umabot naman sa dalawang daan at pitumpu’t-pito (277) ang bilang ng mga benepisyaryo na makakatanggap ng free-range chicken na nakatakdang ibigay sa darating na buwan ng Marso.

Nabatid na isa ang lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan sa may maraming naluging hog raiser dahil sa epekto ng ASF virus noon sa kanilang mga alagang baboy. | ifmnews

Facebook Comments