Cauayan City – Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga Hog Raisers na namatayan ng mga alagang baboy dahil sa sakit na African Swine Fever kahapon, ika-26 ng Setyembre sa Commissary Building, Capitol Complex, Tuguegarao City, Cagayan.
126 na hog raisers na mula sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan ang nakatanggap ng tulong pinansyal kung saan karamihan sa kanila ay mga backyard raisers na sumailalim sa culling ang mga alagang baboy dahil sa ASF.
Ang tulong na kanilang natanggap ay naka depende sa baboy na sumailalim sa account kung saan bawat biik ay P500, ang starter na baboy ay P1,000, P3,000 sa grower/fattener, habang ang unahin at barakong baboy ay P5,000.
Samantala, sa naging mensahe ni Cagayan Governor Manuel Mamba, pinayuhan nito ang mga Hog raisers na habang hindi pa sila maaaring mag-alaga ng baboy ay humanap muna sila ng pansamantalang alternatibong pagkakakitaan.