Home RMN News Nationwide: The Sound of the Nation Hold Departure Order laban sa mga PhilHealth official na sangkot sa katiwalian, iginiit ng isang kongresista

Hold Departure Order laban sa mga PhilHealth official na sangkot sa katiwalian, iginiit ng isang kongresista

0
Hold Departure Order laban sa mga PhilHealth official na sangkot sa katiwalian, iginiit ng isang kongresista

Pinag-i-isyu ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang gobyerno ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian.

Iginiit ni Herrera na makatutulong sa pormal na paghahain ng kaso kung makapaglalabas agad ng Immigration watchlists, Hold Departure Order at Interpol Red Notices laban sa PhilHealth executives.

Pinakikilos din ng kongresista ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para agad na i-secure ang mga dokumento at computer ng PhilHealth bilang mga ebidensya sa pagsasampa ng kaso.

Kung mas maagang makapaglalabas aniya ng legal authorization ang mga otoridad ay matitiyak na hindi mabubura o mawawala ang mga kinakailangang dokumento mula sa PhilHealth na magdidiin sa mga akusado sa katiwalian.

Samantala, naniniwala naman si ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo na hindi dapat ma-abswelto si Health Secretary Francisco Duque III sa gusot sa PhilHealth.

Ipinanawagan din nito na isailalim sa hospital arrest si dating PhilHealth President at CEO Ricardo Morales bunsod naman ng iniinda nitong lymphoma.

Facebook Comments