Hold up suspect na isa ring drug personality, patay sa Parañaque

Manila, Philippines – Patay sa engkuwentro ang robbery hold up suspect na isa ring drug personality sa Parañaque.

Kasalukuyang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Parañaque City Police nang maaktuhan ang suspek habang hinoholdap ang biktimang si Mia Cruz Santos sa Baclaràn.

Nakipagbarilan pa ang salarin sa mga pulis subalit agad na nakaganti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi nito.


Narekober ng Parañaque Police mula sa hindi nakilalang suspek ang trenta y otso na kalibre ng baril, mga bala, basyo , isang sachet na may shabu at drug paraphernalia.

Facebook Comments