Holdaper, arestado sa QC

Payatas – Arestado ang isang holdaper matapos biktimahin ang 19 year old na driver sa Brgy. Payatas lungsod ng Quezon.

Nakilala ang suspek na si RJ Mon Iringco walang trabaho pero aminadong bumabatak ng iligal droga.

Ayon sa biktima na si Michael Senina isang personal driver, naglalakad sya sa Everlasting St. Brgy. Payatas ng kausapin ng suspek matapos makita ang hawak na cellphone.


Kasunod nito bigla nalang nanaksak ang suspek gamit ang mahabang icepick bago kunin ang cellphone pero nakailag si Michael.

Hindi pa nakuntento si RJ kung saan habang nakatumba ang biktima pinagsusuntok pa nito sa mukha.

Naaresto ang suspek sa tulong ng brgy. at matapos isumplong ng sariling ama.

Facebook Comments