Holdaper at mga pulis sa Quezon City, nagbarilan,

Quezon City – Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos makipag barilan sa mga tauhan ng QCPD station 5 kagabi.

Bukod sa holdaper isinugod naman sa hospital ang isang pulis dahil sa tama ng bala sa kamay at paa.

Ayon kay PSI Rolando Bañes isang motor rider ang lumapit sa mga pulis para isumbong na may isang lalaki na ng hoholdap sa Sampaguita St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik.


Agad rumisponde ang mga tauhan QCPD station 5 kasama ang mga SWAT kung saan na-spotan ang isang lalaki na armado ng baril.

Agad nagpautok ang suspek sabay pasok sa isang bahay para magtago.

Sa habulan at barilan, napatay ang hindi nakilalang suspek habang tinamaan ng bala sa kamay at paa si POI Cezar Sabangan.

Agad naman itong dinala sa commonwealth hospital para magamot.

Facebook Comments