Holdaper natiklo ng kapulisan

Arestado ang isa sa limang holdaper na responsable sa pagnhoholdap sa apat na mga estudyante noong biyernes sa sinsuat avenue Cot.city…Kinilala ang nahuling suspect na si Aladin Noraguia 18 anyos na nakatira sa barangay Poblacion 6.
Ayon sa report, sakay umano ang mga biktima ng multicab, na sina Abigail 21 anyos residente ng Rufo Manara street, Samra 21 anyos na residente ng Malagapas, Clifford 18 anyos na residente ng Quezon avenue at Rauf 18 anyos ng Bagua tres, ng holdapin ng limang suspect at pinagkukuha ang mga cellphone ng apat.
Matapos makulimpat ay mabilis na tumakas ang mga suspect patungo sa direction ng PC Hill, Kaagad namang nagsagawa ng hot pursuit ang PP1 ni PCI Reynaldo Delanten at nahuli ang isa sa suspect…Sa ngayon patuloy pa ang pagtugis sa apat pang kasamahan ni Aladin habang siyay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kaso.

Facebook Comments