Holdaper, patay sa Makati

Manila, Philippines – Dahil sa maagap na pagtugon ng mga pulis, napatay ang isa sa mga suspek sa insidente ng panghoholdap at pananaksak sa Makati City.

Nakilala ang nasawing suspek na si Jerwin Caigoy, 22-anyos, ex-convict at pansamantalang naninirahan sa Makati Public Cemetery sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng SPD o Southern Police District, nagpapatrulya sa Buendia Avenue, Brgy. San Antonio sina PO2 Wesley Hebres at Stephanie Limjap ng PCP 3 nang madaanan nila ang isang grupo ng kalalakihan na humihingi ng tulong makaraang mabiktima ng panghoholdap.


Agad namang naaresto ang isa sa mga suspek na si Wilson Breva na sinasabing isa sa mga humoldap at sumaksak sa biktimang si Rodel Ullado, 25-anyos, at nakatira sa Sikatuna Village, Quezon City.

Subalit nauwi naman sa engkwentro ang ikinasang follow-up operation sa public cemetery na nagresulta nga sa pagkamatay ni Caigoy.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 na baril, isang sachet ng hinihinalang shabu at isang kutsilyo.

Iniimbestigahan pa rin mga awtoridad ang naturang insidente.

Facebook Comments