Holdaper, patay sa sagupaan sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang holdaper habang sugatan naman ang pulis sa engkwentro sa barangay Pasong Putik sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Director, Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, wala pang pagkakakilanlan ang nasawing suspek na tinatayang may edad na 35-40 anyos, may taas na 5’6, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng asul na T-shirt at itim na short pants.

Alas dos kaninang madaling araw, nakatanggap ng tip ang nagpapatrulyang mga mga pulis tungkol sa holdapan na naganap sa Sampaguita St., Maligaya Park Subdv., Barangay. Pasong Putik.


Agad namang rumesponde ang mga pulis ng Fairview Police Stations.
Nagtago pero sa halip na sumuko, nagpaputok ang suspek na ikinasugat ni PO1 Cesar Sabangan.

Nagkaroon ng habulan at palitan ng putok na nagbunsod sa pagkasawi ng holdaper.

Positibo namang kinilala ng biktima na si Khristine Camille Viado ang holdaper.

Facebook Comments