Holdaper, sugatan matapos mabulilyaso ang pagnanakaw sa Maynila

49

Manila, Philippines – Sugatan ang isang Holdaper matapos na mabaril ng rumispondeng pulis sa Ermita, Maynila.

Nag-aabang kagabi ng masasakyang jeep si Noel Daez sa bahagi ng Mc-Arthur Highway sa Ermita maynila nang lapitan siya ng holdaper na si Diego Navarro.

Nang ayaw niyang ibigay ang relo, nagpambuno sila ng holdaper.


Nagkataon na nag aabang din ng jeep ang pulis Caloocan na si SPO3 Amado Tayag kaya nabaril niya sa kaliwang tuhod ang holdaper.

Naitakbo pa sa ospital si Navarrro.

Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang ice pick tatlong bala at isang sachet ng shabu.



Facebook Comments