HOLDAPER | Suspect sa robbery holdup sa Metro Manila, arestado ng MPD

Cavite City – Alas-3 ng madaling araw kanina nang maaresto sa Sunshine Village, Barangay Cabuco, Trese Martirez, Cavite City ang suspect sa notorius na robbery holdup sa Metro Manila.

Sa operasyong pinangunahan ni Police Senior Insp. Edison Quano, ng Manila Police District Station 3, naaresto ang suspect na si Ramon Burayag Villareal, residente ng Pasay City, na nahaharap sa patong-patong na kasong robbery with homicide; paglabag sa dangerous drugs act; frustrated homicide; at pagnanakaw.

Marami na rin ang warrant of arrest ang ibinaba ng iba’t ibang korte para maaresro ang suspect, na armado ng 2 calibre 45 baril at isang hand grenade.


Nakuha mula sa pangangalaga nito ang 1 bag, assorted foreign collector’s money, iba’t ibang mga ID tulad ng SSS, Barangay at voter’s ID, mga lisensya, ATM cards, gold bracelet na nagkakahalaga ng 40 libong piso, 2 cellphone, mga cash at susi ng kotse.

Sa ngayon nananatili pa sa pangangalaga ng Manila Police District Headquarters ang naturang suspect, at sumasailalim sa inquest proceedings*.*

Facebook Comments