HOLIDAY | August 21, idineklarang regular holiday sa buong bansa para sa paggunita Eid Al ‘Adha

Manila, Philippines – Idineklara ng MalacaƱang na regular holiday sa buong bansa sa August 21 bilang paggunita sa Eid Al-Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 556 na base na rin sa naging rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Matataon din ang paggunita sa Eid Al-Adha sa paggunita ng Ninoy Aquino Day na isa ring regular holiday.


Facebook Comments