HOLIDAY | Batas na nagdedeklara sa April 27 bilang ‘Lapu-Lapu Day,’ pinirmahan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda sa April 27 bilang ‘Lapu-Lapu Day’ bilang pagkilala sa kabayanihan sa unang Pilipinong lumaban sa mga kastilang mananakop.

Sa ilalim ng Republic Act 11040, ang Lapu-Lapu Day ay magiging special working holiday sa buong bansa habang special non-working holiday sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang holiday declaration ay layong gunitain ang tagumpay ni Lapu-Lapu Laban kay Ferdinand Magellan noong battle of Mactan noong April 27, 1521.


Binuo rin ang order of Lapu-Lapu, isang medalya na ginagawad sa mga tao sa gobyerno o pribadong sektor na nagpamalas ng pambihirang serbisyo at nagbigay ng malaking kontribusyon para sa ikatatagumpay ng mga kampanya at adbokasiya ng Pangulo.

Facebook Comments