Holiday ceasefire, idineklara ng gobyerno at CPP

Kapwa nagdeklara na ng ceasefire ang gobyerno at ang Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong Holiday Season.

Ito’y kasunod ng rekomendasyon ng Peace Panels ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa anunsyo ng CPP, inaatasan nito ang New People’s Army na ihinto ang anumang operasyon laban sa pulis at militar.


Ayon sa CPP, layunin ng ceasefire na lumikha ng positive atmosphere bilang paghahanda sa inaasahang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Magsilbi rin itong goodwill at confidence-building sa tradisyunal na pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Sinundan ito ng anunsyo ng Malacañang, kung saan idinedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Unilateral at Reciprocal Ceasefire sa kaparehas na panahon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipinag-utos na rin ng Pangulo ang reconstitution ng negotiating panel ng gobyerno, kung saan kabilang sa mga miyembro nito ay si Exective Secretary Salvador Medialdea.

Ang ceasefire ng gobyerno at rebeldeng komunista ay magtatagal mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020.

Facebook Comments