Holiday Ceasefire ng gobyerno at rebeldeng komunista, pormal nang nagtapos

Pormal nang nagtapos ang Holiday Ceasefire sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng komunista.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo, ipagpapatuloy na ang Offensive Operations ng militar laban sa Communist Rebels.

Pero sinabi ni Arevalo na suportado nila ang Local Peace Negotioations, ang hakbang na ipinursige ng gobyerno nang kinansela noon ni Pangulong Duterte ang Formal Peace Talks sa National Democratic Front (NDF).


Para sa Arevalo, “natalo” ang gobyerno sa Unilateral Ceasefire, dahil may mga nangyaring pag-atakeng ginawa ang kabilang panig habang umiiral ito.

Kabilang na rito ang pagkamatay ng isang sundalo at pagkakasugat ng anim na iba pa sa Camarines Norte noong December 23 at pagpapasabog sa improvised explosive device sa Iloilo.

May ikinasa ring pag-atake ang mga rebelde laban sa mga sibilyan noong December 30, kabilang na rito ag pagpatay kay Bontola Mansinugdan ng Higaynon Tribe sa Agusan Del Sur at Sammy Diwangan ng Umayamnon Tribe sa Bukidnon.

Dahil dito, mariing kinondena ito ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez.

Facebook Comments