Holiday ceasefire sa mga rebeldeng komunista, pag-aaralan ni Pangulong Duterte

Tiniyak ng Malacañang na pag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag magdeklara ng holiday ceasefire sa mga rebeldeng komunista.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ihayag ng AFP na hindi nila irerekomenda sa Pangulo ang tigil-putukan sa mga communist group ngayong holiday season dahil sa kawalan ng sinseridad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pag-aaralan ng Pangulo ang rekomendasyon ng AFP.


Nanawagan naman si Roque sa mga komunista na huwag nang dagdagan ang paghihirap ng mga Pilipino ngayong may pandemya.

Umapela rin siya sa mga ito na makipagtulungan na lamang sa gobyerno.

Iginiit ni Roque na hindi krimen ang komunismo pero krimen ang pagpatay sa kapwa Pilipino.

Facebook Comments