HOLIDAY | COMELEC, bukas sa mga magsusumite ng SOCE sa June 12

Manila, Philippines – Bagaman at holiday ang June 12, bukas ang mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) para tumanggap ng mga magsusumite ng Statement of Contribution and Expenditure (SOCE).

Ang SOCE ay para sa lahat ng mga kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong May 14, 2018.

Gayunman, nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez na hanggang June 13 pa maaring magsumite ng SOCE.


Obligado aniya ang lahat ng kandidato, nanalo man o natalo, na magsumite ng SOCE.

Ang mga mabibigong magsumite ng SOCE ay mahaharap sa reklamong administratibo at maari pang mapatawan ng panghabang buhay na disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 7166, ang paghahain ng SOCE ay itinatakda sa loob ng 30 araw magmula nang matapos ang eleksyon.

Facebook Comments