HOLIDAY | DFA inanunsyo na sarado ang kanilang mga tanggapan bukas at sa Biyernes

Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day bukas June 12 at Eid’l Fitr sa Biyernes June 15, ipinababatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na sarado lahat ng consular offices ng kagawaran sa nasabing mga petsa.

Ayon sa Office of Consular Affairs (OCA) ang mga aplikante na may confirmed passport appointments sa June 15 ay ia-accommodate sa kanilang original site mula June 18-29, maliban sa Sabado.

Pinapayuhan ang mga aplikante na dalhin ang printout ng kanilang confirmed passport appointments at ilan pang requirements para sa kanilang passport application.

Facebook Comments