HOLIDAY | DOLE, naglabas ng pay rules para sa August 21, 2018

Manila, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pay rule para sa August 21, 2018.

Natapat kasi na parehong special non-working day ang August 21 para sa Ninoy Aquino Day at regular holiday bilang paggunita ng Eid Al-Adha.

Batay sa inilabas na Labor Advisory 12, kung hindi magtatrabaho ang empleyado sa nasabing araw makatatanggap pa rin ito ng 100 porsyento ng kaniyang sweldo sa isang araw depende sa kondisyon ng pinapasukang kumpanya.


Sa mga makakapasok naman ay makatatanggap ang empleyado ng double pay at dagdag pang 30 porsyento na katumbas na ng 260 porsyento ng basic pay.

Para naman sa may overtime work, maliban sa 260 porsyento, madadagdagan pa ang kanilang sweldo ng 30 porsyento.

Sa mga matatapat naman na day-off pero papasok pa rin karagdagang 50 porsyento ang makukuha sa kanilang sa basic pay sa isang araw.

At sa mga magtatrabaho na lagpas sa walong oras na natapat pa sa kanilang day off dagdag pang 30 percent ng kaniyang hourly rate.

Facebook Comments