HOLIDAY | Field office ng BI sa Taytay, Rizal – wala munang operasyon sa June 11

Taytay, Rizal – Wala munang operasyon ang field office ng Bureau of Immigration (BI) sa Taytay, Rizal sa Lunes, June 11.

Kasunod ito ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 11 bilang special non-working holiday sa buong lalawigan ng Rizal sa bisa ng Proclamation No. 502.

Ito ay bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag sa Rizal bilang isang lalawigan.


Habang sa June 12, Martes, sarado rin ang main office at lahat ng field offices ng BI na deklarado namang regular holiday dahil sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Magbabalik-normal ang operasyon ng BI sa June 13.

Facebook Comments