Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayong 4 na araw na lamang at Pasko na.
Alas singko pa lang ng madaling araw kanina, mahaba na ang pila ng mga pasahero papasok ng departure area ng NAIA Terminal 3.
At mag-aalas siyete kanina ng umaga ay mas nadagdagan pa ang pila ng mga pasahero.
Karamihan sa mga pasahero rito ay bibiyahe sa labas ng bansa para makapagbakasyon at samantalahin ang Kapaskuhan para makasama ang kanilang pamilya.
Samantala, tinitiniyak naman ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kaligtasan ng mga pasahero sa NAIA kaya mahigpit din ang ipinatutupad na seguridad sa loob at labas ng paliparan.
Paalala ng MIAA sa mga pasahero, dapat pumunta na sila ng NAIA 2 o 3 oras bago ang kanilang flight upang hindi maabala o ma-late sa biyahe dahil sa haba ng pila ng mga pasahero at pagproseso ng kanilang flight.
Samantala, bukod sa mga pasahero ay mahaba rin ang pila ng mga sasakyan paakyat ng rampa ng departure area ng NAIA terminal na dahil yan sa mga naghahatid na pasahero sa NAIA.
Ayon sa MIAA Media Affairs Office, bukas Sabado ay inaasahan nilang mas dagsa pa ang mga pasahero dahil may pasok pa ngayong araw ang ilan sa mga empleyado.
Sa ngayon ay maganda ang panahon sa Pasay City at wala pa namang mga nakakanselang flight sa mga oras na ito.