Isang linggo bago ang Pasko, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) – halos 72,000 mga pasahero na ang naitala nilang dumagsa sa mga pantalan kahapon.
Pinakamarami ay naitala sa Western Visayas, partikular sa mga pantalan sa Iloilo at Aklan na may mahigit 15,000.
Sinundan ito ng Southern Tagalog na may mahigit 8,200; Davao Region, 4,500; habang mahigit 7,000 ang bumiyahe palabas ng Northern Mindanao partikular sa Surigao del Norte, Misamis Oriental at Misamis Occidental.
Nananatili namang payapa ang sitwasyon sa mga pantalan.
Facebook Comments