HOLIDAY: Nisfu Syaban inoobserba sa ARMM

Deklaradong Special Non -Working Holiday ngayon sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao kasabay ng pag-oobserba ng mga mananampalatayang Islam sa Nisfu Syaban.

Kinabibilangan ito ng mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, Tawi-Tawi, at Sulu base na rin sa Memo # 225 na permado ni ARMM Governor Mujiv Hataman.

Ang obserbasyon ay hudyat na rin sa papalapit na buwan ng Ramadan.


Bukod ngayong araw ng lunes, deklaradong holiday din bukas May 1 kasabay sa pag-oobserba ng Labor Day.
GOOGLE PIC

Facebook Comments