Holiday pay rules, ipinaalala ng DOLE

Nagpaalala ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer tungkol sa pagbibigay ng tamang pasahod para sa mga manggagawang nagtatrabaho ngayong holiday season sa ngalan ng serbisyo publiko.

Base sa Labor Advisory, kailangang doble ang sahod ang on-duty employees sa unang walong oras ng kanilang pagseserbisyo, at may dagdag na 30% sa mga susunod na oras.

Kapag tumapat sa day-off ng empleyado ang holiday at pumasok ito ay mas malaki pa ang kanyang matatanggap lalo na kung overtime din.


Kahit hindi magtrabaho ng pasko, dapat may sahod pa rin ang isang empleyado pero depende sa kasunduan ng kanilang employer.

Nais tiyakin ng DOLE ang tamang pagtrato sa lahat ng empleyado sa lahat ng panahon.

Facebook Comments