Pinaaalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer tungkol sa tamang pasahod sa mga magtatrabaho ngayong araw, June 5 dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr at sa June 12, Araw ng Kalayaan.
Sa abisong inilabas ng kagawaran, ang mga hindi papasok sa mga nabanggit na holiday ay babayaran pa rin ng 100% ng kanilang sahod.
Nasa 200% naman ang makukuha ng mga papasok na empleyado.
Kung lalagpas sa walong oras ang trabaho, mabibigyan ng karagdagang 30% ang empleyado kada oras.
Kung nataon namang day-off pero pumasok, may dagdag na 30% maliban sa 200% arawang sahod.
Facebook Comments