Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer tungkol sa holiday pay rules ngayong Bagong Taon.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – December 30 at January 1 ay idineklarang regular holiday.
200% ng regular na arawang sweldo ng mga empleyado ang kanilang dapat matanggap kung sila ay sa loob ng unang walong oras.
May dagdag naman na 30% na hourly rate kung lumampas sa walong oras ang kanilang pagtatrabaho habang mayroong 30% pang matatanggap ang mga manggagawa kung papasok sila sa mga naturang araw at tatapat ito sa kanilang day-off.
Buo namang matatanggap ng mga mangagawa ang kanilang mga sweldo kahit hindi sila pumasok sa mga nabanggit na petsa.
Facebook Comments