HOLIDAY RUSH, NARANASAN SA MGA PAMILIHAN SA PANGASINAN

Patuloy na dinagsa ng mga mamimili ang iba’t-ibang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Isang araw bago ang bagong taon, naranasan ang holiday rush sa mga malls at mga pampublikong ng mga konsyumer na nag last minute upang makapamili ng mga panregalo at mga panghanda sa salubong.

Kasabay nito ang naranasang mas mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kakalsadahan sa lalawigan.

Samantala, ipinapasalamat naman ng mga vendors ang tumaas na kita ng mga ito dahil sa tinatangkilik na mga produkto tulad ng prutas, karne, at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments