Mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng mga Pilipino sa pagsalubong ng Bagong Taon at buong holiday season.
Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, mababa ang naitalang holiday incidents nationwide ngayong 2019 kumpara sa nakalipas na taon.
Sinabi ni Banac, 324 na holiday incidents lamang kanilang naitala nationwide mababa ito kung ikukumpara sa 2018 na nakapagtala sila ng 798 incidents.
Dahil dito nagpasalamat ang PNP sa mga Pilipino sa kooperasyon na kanilang ipinakita para maging mapayapa ang buong holiday season at ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa ngayon magpapatuloy pa rin ang pagbabantay ng mga pulis para matiyak na ligtas pa rin ang publiko na patuloy na nagdiriwang ng Bagong Taon.