Manila, Philippines – Inaasahang aabot sa 30 bilyong dolyar remittance ang papasok sa bansa bago matapos ang taon.
Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, holiday season na kaya gaya ng nakagawian, mas maraming pera ang ipinapadala ng mga OFWs para sa kanilang pamilya.
Kasabay nito, nagbabala naman si Budget Secretary Benjamin Diokno na asahan pa ang mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin matapos manalasa ang bagyong Ompong.
Gayunman, sinabi ni Diokno na bababa ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Oktubre.
Matatandaang pumalo sa 6.4 ang inflation rate noong Agosto.
Facebook Comments