Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang sobrang pagkain lalo at kabi-kabila ang handaan ngayong Pasko.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na iwasan ang tatlong ‘s’; sweets, salt at sebo na aniya ay posibleng magdulot ng heart attack, brain attack at alta presyon kapag nasobrahan.
Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na nakahanda ang lahat ng ospital ng DOH para naman sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Tiwala si Duque na maaabot ng pamahalaan ang “zero fireworks-related injuries” ngayong taon sa tulong na rin ng Executive Order 28 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 2017.
Facebook Comments