HOLIDAY SEASON | Inflation, hihina sa pagpasok ng ‘ber’ months

Manila, Philippines – Asahan nang hihina ang pagtaas ng inflation rate o ang bilis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong ber months.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo, sa ber months kasi ay malaki ang nagiging ambag ng Overseas Filipino Workers o OFW.

Gayundin aniya ang mga nasa Business Process Outsourcing o BPO companies.


Paliwanag ni Guinigundo, tuwing ber months kasi ay malaking dolyar ang naipapasok ng mga OFW at BPO companies sa bansa.

Facebook Comments