Manila, Philippines – Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Kristmas 2017 ng Philippine Coast Guard (PCG), sasailalim sa mas mahigpit na seguridad ang mga pantalan sa buong bansa, para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Christmas season.
Ayon kay Commodore Joel Garcia, OIC ng Philippine Coast Guard (PGC), ilalagay rin sa mahigpit na seguridad ang mga beach, coastal at island resort, na magsisimula sa December 18 at tatagal hanggang January 8, 2018.
Asahan na aniya ang mas mahigpit na inspeksyon ng mga bagahe sa mga pantalan kaya’t pinapayuhan ang mga pasahero na dumating ng tatlong oras na mas maaga bago ang departure time.
Iwasan na rin anila ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng patalim, flammable materials at mga pampasabog upang hindi na maabala sa pagbiyahe.
HOLIDAY SEASON | Mahigpti na seguridad, ipatutupad sa mga pantalan sa buong bansa
Facebook Comments