Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang malaking demand sa malutong na perang papel ngayong holiday season.
Ayon kay Maja Gratia Malic, deputy director for currency and integrity office ng BSP, mas malaki ang demand para sa lower denomination gaya ng 20, 50 at 100 tuwing sasapit ang Disyembre.
Kaya mainam aniyang maaga pa lang ay magpapalit na sa bangko.
Kasabay nito, umapela naman ang BSP sa publiko na ingatan ang natatanggap na perang papel.
Giit ni Malic, kapag kasi nasa magandang kondisyon ang umiikot na pera mas madaling matukoy ang mga peke.
Facebook Comments