HOLIDAY SEASON | Mga pasahero, dagsa na sa mga bus terminal

Manila, Philippines – Dagsa na ang ang mga biyahero sa mga terminal sa Cubao.

Sa Victory Liner na biyaheng Norte o Cagayan Valley, fully booked na ang mga pasahero hanggang December 31.

As of 3:30, 5 buses pa lamang ang bumibiyahe. Nasa 220 na pasahero ang nakabiyahe.


Kagabi ang pinakamalaking volume ng bumiyahe at hindi pa nakakabalik na bus galing probinsiya.

Gayundin sa Jam Liner terminal, mahigit 3000 na pasahero na ang nakabiyahe as of 8am.

Nasa 75 buses na ang nakakaalis.

Maituturing naman na normal ang dami ng pasahero sa Jam terninal kung ihahambing noong nakaraang taon.

Kahit siksikan at tayuan na ang ilan sa mga bus, pinipili nila na pagtiyagaan makauwi lamang sa kani-kanilang mga probinsya.

Mabigat na ang daloy ng trapiko sa Edsa Cubao, lalo na at puro terminal ng bus ang halos kabuuan ng Cubao area. Aabot ang traffic sa Kamuning area, kung saan magiging moderate to heavy ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments