HOLIDAY SEASON | Mga pasaherong uuwi sa mga probinsya, dagsaan na sa mga pantalan

Manila, Philippines – Matapos payagan na ng Philippine Coast Guard ang mga barko na makapaglayag, bumuhos na sa mga pantalan ang mga pasahero na magsisiuwian sa kani-kanilang probinsya para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

Kasabay nito, inilgay na ng PCG ang lahat ng kanilang units simula ngayong araw na ito sa heightened alert na tatagal hanggang January 8,2018 para sa Oplan Biyaheng AyosKrismas 2017.

Ang mga pasahero na dumagsa sa National Capital Region Central Luzon umaabot na sa -1,669; Central Visayas – 11,274; Southwestern Mindanao – 1,872; Palawan – 4,424; Southern Tagalog – 10,456; Western Visayas – 15,968; Northwestern Luzon – 678; South Eastern Mindanao – 6,710; Bicol – 5,969; Northern Mindanao – 5,716; Eastern Visayas – 4,673; Northeastern Luzon – 98; Southern Visayas – 5,115.


Umaabot sa kabuuuang 74,622 kumpara noong nakaraang taon na sa kaparehas na buwan na 66,979.

Pinapaalala ng PCG na dapat nasa pier na tatlong oras bago ang biyahe ng barko.

Muli ring pinaalala ng PCG na huwag nang magdala ng mga bagay na ipinagbabawal para hindi maabala pa sa biyahe.

Facebook Comments