HOLIDAY SEASON | PNP, maglulunsad ng intensified anti-crime campaign

Manila, Philippines – Maglulunsad ang Philippine National Police (PNP) ng pinalakas na kampanya kontra kriminalidad bago magsimula ang holiday season.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, layunin ng kampanya na putulin ang kadalasang biglaang pagtaas ng crime incidents tuwing ‘ber’ months.

Ginagawa ng PNP ang lahat ng hakbang para masugpo ang pagtaas ng bilang ng krimen mula Setyembre hanggang Setyembre.


Pero sabi ni Albayalde, na napansin nila ang bumubuting peace and order situation tuwing holidays mula noong 2016.

Sa ngayon, ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay pinaigting ang operasyon laban sa mga riding-in-tandem suspects sa pamamagitan ng mga checkpoints at chokepoints sa ilang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments