HOLIDAY SEASON SA PANGASINAN, GENERALLY PEACEFUL – PPO

Naging ‘generally peaceful ang pagdaraos ng holiday season sa Pangasinan ayon sa Police Provincial Office.

Ayon sa tanggapan, malaki ang naitulong ng kooperasyon ng mga mamamayan at ng dedikasyon ng mga pulis sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.

Isa sa mga pangunahing hakbang ng pulisya ay ang pagpapatupad ng mga checkpoint operations sa mga pangunahing kalsada upang maiwasan ang krimen at aksidente, pati na rin ang regular na pag-iikot ng mga mobile patrol units sa mga sentrong pamilihan, baybayin, at pampublikong lugar.

Pinatibay din ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, kabilang ang Barangay Peacekeeping Action Teams, upang mas mabilis na marespondehan ang anumang insidente.

Nanatili namang alerto ang mga awtoridad at handa sa anumang sitwasyon upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng Pangasinense, lalo na sa mga lugar na dinadagsa ng mga turista at mamamayan matapos ang pagsalubong ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments