HOLIDAY SEASON, SINALUBONG NG PANGASINAN PNP SA CHRISTMAS LIGHTING CEREMONY

Sinalubong ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang paparating na holidays season sa pamamagitan ng 2025 Ceremonial Lighting of Lantern and Christmas Tree na ginanap sa Camp Gov. Antonio U. Sison, Lingayen.

Ayon sa PPO, layunin ng aktibidad na ipakita ang pagkakaisa at espiritu ng pampublikong serbisyo habang sabay-sabay na pinanonood ng mga personnel ang simbolikong pag-iilaw ng Christmas installations.

Binanggit ng tanggapan na bahagi rin ito ng pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan sa komunidad habang papalapit ang pagtatapos ng taon.

Binigyang-diin din ng tanggapan na bukod sa selebrasyon, nananatiling nakatuon ang PNP sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa buong lalawigan ngayong holiday season.

Facebook Comments