Manila, Philippines – Sapat ang supply ng manok at karneng baboy.
Ito ay ang pagtitiyak ng mga producers sa consumer public ngayong holiday season.
Ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (ProPork) Vice Presdient Nicanor Briones – ang current farm gate price ng pork ay hindi nagtaas, na nangangahulugang mataas ang supply kaysa sa demand.
Posible aniya na magtagal pa ang supply hanggang sa eleksyon sa susunod na taon.
Ang kasalukuyang imbentaryo ng karneng baboy sa cold storage ay nasa 36,000 metric tons.
Dahil bumaba sa ₱115 ang farm gate price ng pork mula sa ₱125 per kilo, dapat nasa ₱190 per kilo ang halaga ng kasim at pigue at ₱210 para sa pork chop at liempo.
Dagdag pa ni Briones, oversupply din ang manok at itlog lalo at ang farm gate price nito ay mababa sa production cost.
Nasa ₱120 hanggang ₱160 ang whole chicken habang nasa ₱4.50 hanggang ₱6.50 ang preso ng itlog.