
Activated na ang Holiday transport plan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ito’y dahil pa rin sa pagdagsa ng mga pasahero na bibiyahe patungo ng kanilang mga probinsya ngayong holiday season.
Ayon sa Pamunuan ng PITX, inaasahan na aabot sa 3 milyon ang pasahero na daraan at gagamit ng terminal simula bukas December 19 hanggang January 5.
Tiniyak nila ang mahigpit na pagpapatupad ng security measures, dagdag na customer assistance desk at mas pinaigting na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Samantala, inabisuhan naman ang mga pasahero na magdagdag ng oras sa kanilang biyahe upang maiwasan ang abala at pagkaantala ng biyahe.
Facebook Comments









