Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay maaari nang iplano ng ating mga kababayan ang kanilang mga bakasyon sa susunod na taon dahil inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holidays para sa susunod na taon.
Base sa Proclamation Number 555 na nilagdaan ni Panuglong Rodrigo Duterte kahapon ay mayroong 10 regular holidays para sa 2019 habang mayroon namang 9 na special non-working holidays.
Ang mga regular holidays ay New Year’s day, Araw ng Kagitingan, Maundy Thursday, Good Friday, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day at Rizal Day.
Ang mga special non-working holiday naman ay Chinese New Year, EDSA People Power Revolution Anniversary, Black Saturday, Ninoy Aquino Day, All Saints Day, Feast of the Immaculate Conception of Mary, huling araw ng 2019 ay mayroong karagdagang dalawang araw na special non-working Holiday na November 2 at December 24.
Makakasama din sa regular holidays ang Eidul Fitr at Eidul Adha pero ang eksaktong petsa nito ay itatakda pa ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) dahil dedepende ito posisyon ng buwan o ibabase sa Islamic Astronomical Calculations.