Hollywood film ni Kris Aquino, kasado na.

Manila, Philippines – Pumirma na ng kontrata ang actress/host na si Kris Aquino para sa gagawin niyang Hollywood movie.

Ibinahagi ito ng Queen of all Media Sa kanyang instagram account pero tumangging magbigay ng iba pang detalye.

Una nang sinabi ni Kris na naging matagumpay ang audition niya noon sa gagawing pelikula ng isang major film outfit sa Amerika.


Kaugnay nito, nakatakdang lumipad patungong Singapore si Kris para sa pagsisimula ng kanyang shooting.
DZXL558

Facebook Comments