Hollywood – Hindi pa daw handa na magmahal muli ang Hollywood actor na si Brad Pitt.
Ito ay sa kabila ng halos siyam na buwan na hiwalayan ng dating asawang si Angelina Jolie matapos ang labing dalawang taong pagsasama.
Ayon kay Brad, focus muna daw siya sa pag-alaga sa mga anak na sina Knox, Vivienne, Shiloh, Zahara, Pax at Maddox kahit pa busy ito sa ginagawang pelikula.
Wala din planong mag-seryoso si Brad sa mga nakaka-date nito kung saan isang professor sa Massachusetts Institute of Technology na si Neri Oxman ang huling nakitang kasa-kasama nito.
Facebook Comments