HOLLYWOOD | Jared Leto, nais pa din gumanap bilang Joker sa susunod na movie nito

Hangad daw ngayon ng aktor na si Jared Leto na gumanap muli bilang Joker para sa isang movie.

Ito ay matapos na makumpirma na magkakaroon ng Joker solo film, matapos itong ianunsiyo ng Warner Bros.

Ang nasabing movie ay tungkol sa origin story ni Joker pero bali-balitang si Joaquin Phoenix ang gaganap dito.


Samantala, sa kagustuhan mapunta ang role sa kaniya, ipinakita ni Jared ang kanyang outstanding portrayal bilang Clown Prince of Gotham na si Joker sa Suicide Squad noong 2016.

Gusto rin ni Jared i-reprise ang role sa darating na sequel ng Suicide Squad sa 2019 pero sa ngayon ay wala pang detalye ang nasabing Joker film ng DC Comics.

Facebook Comments