Boracay – Sa kabila ng isyu na tila pagdumi na ng isla ng Boracay at planong pansamantalang pagpapasara rito ay dumagsa pa rin ang mga bakasyunita nitong nakalipas na Semana Santa.
Ayon kay PNP Aviation Security Group Director Police Chief Supt Dionardo Carlos, umabot sa 12 libo at limang daan mga pasahero ang dumagsa sa Boracay- Caticlan Airport mula March 28 hanggang nitong April 1, 2018.
Pinakamaraming dumagsang pasahero ay nitong March 29 na umabot sa 3,381.
Pero sa kabila na umabot sa 12,500 na bakasyunista ang dumating sa Boracay nitong Holy Week.
Na-monitor rin ng PNP AVSEGROUP ang 12,554 na pasahero na umalis sa Boracay sa pamamagitan ng Caticlan airport nitong Semana Santa.
Sa ngayon, nanatili ang monitoring at pagbabantay na ginagawa ng nga tauhan ng PNP AVSEGROUP sa Caticlan at iba pang paliparan na patuloy ang dagsa ng mga pasahero lalo na ngayong summer vacation.