Manila, Philippines – Kuntento ang pamunuan ng Manila International Airport Authority sa paghahanda ng ating mga paliparan kasunod narin ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero kaugnay ng paggunita ng Semana Santa.
Sa kabuuan ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal handang handa na ang naia sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista na inaasahang lolobo ang bilang simula bukas hanggang sa susunod na linggo.
Sinabi pa ni Monreal na sapat ang pwersa ng kanilang mga airport personnel upang umagapay sa mga byahero.
Mahigpit din aniya ang seguridad na pinapatupad sa mga paliparan nang sa gayon ay hindi sila malusutan ng mga kawatan.
Apela nito, agahan ang pagtungo sa mga paliparan 2 oras bago ang byahe dapat nasa airport na para sa may mga domestic flights habang 3 hrs naman sa international flights.
Maliban sa NAIA T3 ininspeksyon din ng MIAA ang T4 T1 at T2.