Manila, Philippines – Kalahating araw na lang ang pasok ng mga kawani ng Hudikatura sa March 28, Miyerkules Santo.
Layon ng hakbang ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na mabigyang daan ang mga empleyado ng judiciary na makauwi ng maaga sa kanilang mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Sakop ng deklarasyon ang Korte Suprema at lahat ng mga korte sa buong bansa.
Ang mga kawani naman ng mga korte mula sa mga lungsod at munisipalidad na nagdeklara ng buong araw na suspensyon ay otmatikong wala nang pasok sa Miyerkules Santo.
Facebook Comments