Home-based learning, hindi maaaring ‘subtitute’ para sa tec-voc students – DepEd

Isa sa malaking hamon na kinahaharap ngayon ng Department of Education (DepEd) ay ang pagpapatupad ng Technical and Vocational Education Training (TVET) strand sa ilalim ng Senior High School Program (SHS).

Kabilang sa pangako ng SHS program na bahagi ng K-to-12 program ay employment lalo na para sa mga tech-voc graduates.

Pero dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, hamon ang implementation ng TVET ngayong school year.


Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, ang technical-vocational education ay ipinatutupad sa pamamagitan ng distance learning modality.

Ang Curriculum and Instruction ng DepEd ay naglabas ng ilang memoranda na nagbibigay ng ilang guidelines sa mga paaralan sa kung paano maipagpatuloy ang programa.

Sinabi ni Umali na ang TVET ay nakabase sa “practical activities” o “learning by doing.”

Kaya ang home-based learning ay hindi ‘perfect substitute’ para sa turuan ang tech-voc students.

Sa ngayon, naghahanap ang DepEd ng alternative activities para sa mga naturang estudyante.

Facebook Comments